Habang ako'y naglalakad isang gabi ay napadaan ako sa grocery store. Lumaki ang aking singkit na mga mata nang masilayan ang isang brand new na scooter na naka-display sa entrance ng grocery store.
May nakapanalo na pala nito :(
Agad akong nag-connect sa Diyos.
Ako: Lord, bakit naman po hindi niyo ako binigyan ng pagkakataon na makapanalo ng scooter? Nagsisimba naman po ako... hindi naman ako mamamatay tao... nagbabasa ng Bibliya... tumutulong sa kapwa... eh bakit hindi akong kasing-swerte ng ibang tao? Ang lupit niyo naman po sa akin. Hirap na hirap na po ako, pero bakit tila hindi niyo dinidinig ang aking mga dasal?
Sumagot si Lord...
Lord: Anak, ano ba ang inirereklamo mo diyan? Eh hindi ka naman naghulog ng raffle ticket.
Napahiya ako.
Ako: Sorry Lord, wrong mistake.
Minsan talaga tayong mga tao laging sinisisi ang Diyos sa mga bagay na wala tayo. May ginagawa ba tayo para makamtan ang ating mga pangarap at mga pangangailangan? Sabi nga nila, "nasa Diyos and awa, nasa atin ang gawa". Hindi maaaring hingi lang tayo ng hingi. Hindi maaaring sisi tayo ng sisi. Ang aksyon ay magmumula parati sa atin... at ang prutas ng sipag at pawis ay matitikman lamang ng mga taong marunong gumalaw, manampalataya, at maghintay.
Labels: buhay katoliko
Isang araw, ako'y sumakay ng bus kasama ang aking inay para pumunta sa bahay ng lola ko. Dahil medyo boring ang trip, ay sumilip na lamang kami sa bintana para i-entertain ang aming mga sarili. Dahil sharp shooter at talagang keen observer ang nanay ko, may naispatan siyang interesting na poster ng isang kandidato. Ang hirit ni inay sa akin:
Inay: Anak, tingnan mo o, sino kaya ang boboto sa kandidatong iyon?
Nagtaka ako, kaya't hinanap ang poster na kanayang sinasabi...
Ako: Nasaan po?
Inay: Ayun o... "High-blood" ang kanyang alias.
Hindi ako makapaniwala pero ito'y totoo. Nakakatawa naman tayong mga pinoy mag-isip ng alias ano?
Labels: tru tu layp
I spy with my little eye... what do you see?
Habang ako'y naghihintay sa airport ay nagulantang ako ng makita ang sight na ito. Kaya't agad ko itong kinunan (nagpapakita kung gaano ako kasama) para mai-share ko ang experience na ito. Hindi ko na in-edit ang litrato para hindi pansin ng mga taong hindi malinaw ang mata.
Moral Lesson: choose your pants well. Okay lang hindi masyadong maporma basta't kayo ay kumportable at safe sa mga paparazzi na tulad ko.
Labels: tru tu layp
Ang ganda nito. Simple lang.
Isang gabi ay inutusan akong bumili ng cake sa isang coffee shop malapit sa amin...
(nalito ako kung ano ba ang dapat bilhin kaya't minabuti ko nang magtanong kung anong flavor ng icing nung isang mukang-mega-delicious cake)
Ako: Ahm kuya, ano ba ang icing nito? [biglang turo sa cake]
Kuya: Ah, all-purpose po.
I was expecting that he'd tell me kung butter or sugar icing ba iyon at dagdag na rin kung anong flavor nito. Bagkos ay sinabi niyang all-purpose ang gamit sa icing. Binulong ko sa aking kapatid ang tungkol sa tugon ng waiter. Sinabi sa akin ng aking kapatid na baka ang ibig sabihin ng all-purpose ang icing ay puede rin itong ipampahid sa mukha bilang moisturizer.
Labels: tru tu layp
Recent Comments
The Simple Mind by www.tsmthoughts.blogspot.com is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.