Ang Tula... bow.

Ang mga tulang aking ihahandog sa inyo ay hango sa isang magasin nuong early 1900's. Nakuha ko ito habang ako ay nagsisiyasat ukol sa Early Philippine Cinema. Nakaligtaan kong maglagay ng palatandaan kung anong magasin ito kaya't gusto kong humihingi ng paumanhin sa inyo, aking mga mahal na mambabasa. Kahit wala itong kinalaman sa Philippine Cinema, ay nakuha nito ang aking atensyon. Mahuhulaan niyo kaya kung bakit? Bweno, simulan na natin ang pagbabasa ng mga tula.

Ang unang tula ay para sa mga binatang in love. Para rin ito sa mga binatang may stalking tendencies (see second stanza).

"Mutya"
Tula ni Luis Talastas
Kay Puring

Ganyan ang dalagang mutya ng tahanan,
Mabangong bulaklak, gandang paraluman;
Mahinhing katulad ng hanging amihan,
Ganyan nga si Puring, mutya ng Silangan.

Sa kanilang bahay, kung ikaw'y pumanhik,
Magandang araw mo'y ngiti ang kapalit;
Sa tindig, sa kilos, hahanga kang pilit,
Kay Puring, ang birheng batbat ng pag-ibig.

Kung mamasdan yaong matang mapupungay,
Bakal mo mang puso'y pilit matutunaw;
Tulog mo mang diwa'y pilit mapupukaw,
Sa dilag ni Puring, perlas ang kabagay.

Ang pangalawang tula naman ay para sa mga binatang bigo sa kabila ng lahat lahat ng ginawang
paraan upang mapa-impress ang kanilang sinisinta. Para rin ito sa mga yaong may suicidal
tendencies (see last stanza).

"Samo"
Tula ni Ricardo A. Marcelo
Kay Potring

Kung malasin ng mata ko ang langit na nagdidilim,
At ako ay nagiisang nagbabata ng damdamin;
Mga matang lumuluha ay sa langit nakatingin,
At ang laging dinarasal ikaw sana'y naging akin.

Di mo lamang nababatid bawa't oras, bawa't saglit,
Sa pagtulog ikaw lamang ang lagi kong panaginip;
At ano pa kayang saksi ang iyo pang ninanais,
Sa puso kong nagtatapat nang dalisay na pag ibig!

Wala ka ring tagong habag sa puso kong lumuluha,
Ang dibdib ko ay luray na sa pihati't mga dusa;
Awa molang at paglingap ang tangi kong ninanasa,
Na magiging kalasag ko sa pagharap kay bathala.

Kung sakaling akong ito'y masawi na sa pagibig,
Dalawin mo lang sandali ang bangkay kong matahimik;
Aty kahit na isang sulyap tapunan ng iyong titig,
Ang bangkay kong malaon ding nagtiis ng dusa't sakit.


Ang huling tula ay isang puzzle pra sa akin. Dahil hindi ako makapag-desisyon kung ano ang
kategorya nito, sabihin na lang nating ito ay para sa mga binatang secret agent, para sa mga
binatang mahilig sa "bawal na pag-ibig", at para sa mga binatang in love sa binatang nagdadalaga.


Hayaan ninyong mapukaw ang inyong mga damdamin ng tula ni Anastacio para kay Berto.

"Ang Pag-ibig"
Tula ni Anastacio T. Angeles
Kay Berto

Ang pag-ibig...

KAPAG nukal na sa puso ang pag-ibig na dakila
Ang mabihg nitong kawal, may tapang ma'y humihina;
Maligalig ang isipan, malimit na matunganga
Laging kimi sa dalagang kinakasi't tinata_n...

Nalulungkot...
Natatakot!...

BINUBUKSAN na ng mutya sa panakaw sa pagtitig
Ang landas na daraanan ng binatang umiibig.
Nguni't ito palibhasa'y may pangambang umuusig
At kung kaya't sa binuksan ng diwata'y lumilihis.

Talinghaga...
Malikmata!...

LAGING laman ng gunita ang dilag na sinusuyo
Subali't pag mapaharap sa dalaga'y nadudungo;
Hinahamon na ng mutya sa sulyap na maaamo
Ang binatang mayrong lihim napipipi namang lalo.

Pumipipi...
Ang pagkasi!...

DAHILAN SA natatakot masiphayo sa mithiin
Kung kaya't ang sumisinta may dusa ma'y naglilihim;
Ang binatang datidati'y kasingsigla niyang lawin
Ay nagiging sakdal hina pag nabihg ng paggiliw.

Ang marapat...
Ipagtapat!...

TANGING lunas na marapat sa pagsintang lumuluha
Lakas loob na sabihin sa dalaga ang pithaya;
Sa pag-ibig ang damdaminglaging duwag ay kawawa,
Samantalang ang may tapang nagkakamit ng biyaya.

Kung kaya nga...
Oh, Binata!...

SUBUKAN mong manandata ng dahilang katapangan
At pag di ka maging "pulot" sa maraming Paraluman;
Ang dalaga'y mayamutin sa duwag na kalooban,
At mailap sa binatang dungungdungo sa sintaban.

Iyan lamang...!

Sign of Rejection

Now I know why we all feel rejected.


Comment sa comment

"Sa buhay, ang bawat tao ay makakaisip ng paraan upang sila ay makapagpatuloy na sa kanilang paglalakad at upang makarating na sila sa kanilang paroroonan (Wala Lang, 1st edition)."

Banoffee said (December 15, 2007)...

Medyo naniniwala ako sa pangungusap na ito... at medyo rin hindi. "Hindi" dahil marami akong kilala na hindi talaga alam kung paano magpapatuloy sa kanilang "paglalakad" at hindi rin alam kung saan sila patutungo. Naniniwala naman dahil sa dinami-dami ng mga karanasan ko na sa aking palagay ay may bahid ng pagiging PSR, eh nakakapagpatuloy naman ako at hindi nasa-"stuck".

Ito naman ang masasabi ko...

Akala lang natin na ang ilang mga tao sa ating buhay ay "stuck" na sa kanilang kinatatayuan... Pero kung susuriin natin ang sinabi ni Einstein sa kanyang teoriya ng "relativity" maiintindihan natin ang ibig kong sabihin nang sinabi kong "sa buhay, ang bawat tao ay makakaisip ng paraan upang sila ay makapagpatuloy na sa kanilang paglalakad at upang makarating na sila sa kanilang paroroonan." Isipin mong ikaw ay nasa barko at kasama mo ang iyong kaibigan. Habang ikaw ay paikot-ikot at nag-e-explore ng mga silid sa barko, nakatayo lamang at nagmamasid ang iyong kaibigan sa isang sulok. Para sa iyo hindi gumagalaw ang iyong kaibigan, pero para sa isang tindero ng taho na naglalako sa pier, siya ay mabilis na tumatakbo pa-norte.

Perspective.

May iba iba tayong perspective.

Hindi natin matutukoy ang pag-unlad ng ibang tao base lamang sa ating perspective tulad ng hindi natin kailanman makikita ang galaw ng mga atoms sa iba't ibang bagay gamit ang ating naked eye.

Dagdag pa rito, naniniwala ako na tulad ng ating external environment na patuloy na nagbabago at kumikilos, ang ating internal self ay patuloy ring nagbabago at kumikilos. Ang patuloy na pagkilos na ito ang nagdadala sa bawat isa sa atin para tumahak ng isa o higit pang mga hakbang mula sa ating dating kinatatayuan.

Ang buhay ay dynamic. At kung ito ay dynamic, mayroong pagsulong... maaaring sa iba't ibang degree o level, pero ang pagsulong ay inevitable.

TEXT QUOTES

for the brokenhearted
**
**
**
"Sa langit, pag di nakita ang araw, okey lang.
Sa pagkain, pag walang ulam, okey lang.
Pero pag sa cell ko, wala ang text mo, di na okey yan.
Wala namang ganyanan!"
**
**
**
Malapit na ang panahon ng mga puso.
Naku, "love is in the air" na nga ba?
Sigurado akong marami nanamang exchange
ng love messages sa text.
Bago magsimulang gumana ang pana ni Cupido
(at lumaki ang kita ng mga Mobile Phone Networks),
hayaan niyo muna akong mag-share sa inyo ng mga
love text quotes for the brokenhearted.
Ang mga quotes ay natanggap ko sa e-mail
at hango ang mga ito sa librong
"The Best of Feel Good Quotes"
(compiled and printed by PsiCom Publishing Inc.).
As usual, may mga nakalagay na personal comments
pagkatapos ng bawat quote.
O sige, simulan na natin.
Goodluck sa mga brokenhearted!
**
**
**
"I only wonder sometimes why there comes a point
when I run out of breath…
And then I'd have to inhale for more air …
Maybe because it's an instinct to live …
When I knew I still have u"
---
AKO: When you run out of breath, there will be an increased amount of carbon dioxide in the body. As a result, the brain will transmit signals to the intercostal muscles and cause them to contract to facilitate breathing. Whether or not you 'have' the person you love, this physiological mechanism will definitely take place.
----------------------------------------------------
"We sometimes think that we need to let go
of someone we love so much to prove our love.
Sadly, they sometimes think that
we don't love them coz we let them go."
---
AKO: Kaya importante ang trust at communication sa isang relationship. One thing/action can mean a lot of things.
------------------------------------------------------
"Sad: Since the day you said goodbye, I've been counting the days when hopefully you'll be back in my arms again. But something scares me, coz I might be counting for the rest of my life."
---
AKO: Sa mga gustong mag-let go pag-isipan ng mabuti nang hindi magsisi sa huli. Sa mga iniwan, mag-aral ng mabuti sa math para tama ang pagbilang.
-------------------------------------------------
"Perhaps the saddest but most lovable thing that could happen to you
Is when you are talking to your ex-bf a day before his wedding and he tells you, This could have been us..."
:(
---
AKO: Buti sana kung invited ka sa wedding niya…
-------------------------------------------------
"Remember when you asked me who I liked and I said no one?
What I really meant was no one but you!"
---
AKO: Eh kaya naman pala hindi sila nagkatuluyan nung ex-bf niya (see above quote) dahil hindi siya nakapagtapat kaagad. O yan, nakahanap tuloy ng iba.
--------------------------------------------------
"Why does love hurt?
Why does it ache?
Maybe because we love too much,
Too hard and too deep
That sometimes we forget
To keep a little for ourselves."
---
AKO: I think one cannot love too much... only too little.
If we mistakenly think that loving is like when we withdraw money from our bank accounts [and an amount is debited from that account], we become selfish and we become scared to love. The fact is that, when we love, we gain. We should all be excited to love and share so we will heal.
-------------------------------------------------------
"You can hide the pain that u feel and make others believe that you can move on. But u can never deny d truth to yourself that d person who has failed and hurt you is still the person you'll always choose to love."
---
AKO: Sino ang mga martyr sa pag-ibig? Itaas ang kamay.
--------------------------------------------------------
"Saying I love you is a major decision in one's life. Those words should be kept in your heart until you are ready to commit, to fight for that feeling and to stand by those words forever."
---
CORRECTION: Saying "will you marry me" is a major decision. Saying "I love you" is not. You just love. That's it.
---------------------------------------------------------
"Slowly I'm falling deeper into you but I still try to keep things where they should be. So when the time comes that you feel that I don't love you anymore, just try to remember that all my love for you grows inside me where no one, not even you, could see!"
---
GOVERNMENT WARNING: THIS IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH. Baka sumabog ang puso!
--------------------------------------------------------
"Why must I climb 100 mountains to get to u
But all u have to do is smile to get to me?"
---
AKO: Aww...sweet.
--------------------------------------------------------
"Bakit kung kailan natuto akong maghintay hindi ka dumating?
Bakit kung kailan natuto akong magtiis, dun ka sumuko?
Bakit kung kailan natutunan kitang mahalin doon ka lumayo?
Bakit kung kailan mahal na kita saka ka nagmahal ng iba?"
---
AKO: Napagod na kasi sya sa pag-akyat ng 100 bundok.
--------------------------------------------------------
"Some joys are better expressed in silence, as a smile gets more audible than laughter. I was once asked if I enjoy texting with you. My reply was just a smile."
---
AKO: Inner joys are usually expressed with a smile... and a smile can be more audible than laughter if sincerity of heart is present. There are many ways to express one's joy and no way is better than the other. It's just that when one is really, deeply, sincerely happy -- he/she tends to be at peace, hence he/she becomes silent. It's a natural mechanism.
----------------------------------------------
"There are friends whom you see everyday,
Talk to and laugh with, yet the friendship just ends there.
But there are those whom you rarely see, yet the friendship lives forever."
---
AKO: Well if there are friends whom you see everyday and yet the friendship seems shallow... aren't you supposed to say to yourself, they aren't your friends at all?
---------------------------------------------
"Nang nalulungkot ka, nag-joke ako, tawa ka, tawa ako.
May problema ka, joke ulit ako. Tawa ka, tawa ako.
Nagalit ka, joke pa rin ako. Tawa ka.
Sinabi ko mahal kita. Kala mo joke, tumawa ka.
Napaiyak mo ako..."
---
AKO: May theme song ka dapat, kung sino ka man... "I started a joke, started the whole world laughing... but I didn't see, that the joke was on me..."
--------------------------------------------
"They say that when love knocks on your door, open it.
But do you know that sometimes love enters through the back door?
And before u begin to notice it, it's on its way out ..."
---
MORAL LESSON: Mag-install ng motion sensitive alarm sa front at back doors para hindi na muling makatakas ang pag-ibig.
--------------------------------------------
"While walking down the street, I heard an old lady say, I've been in love with the same man 4 almost 50 years … I was touched. But then she whispered, I wish he knew."
---
AKO: Baka maudyok ang karamihan ng makakabasa nito na magtapat na sa kanyang sinisinta ngayong buwan ng Pebrero. Aba, hindi ata madali ang magbigay ng sikretong pag-ibig. Pero teka, hindi rin naman madali ang ma-reject ng taong minamahal mo hindi ba? Kung nagkataon, ang drama mo ngayon nyan ay ganito, "I choose to love you silently for in silence I find no rejection."
[Slow background music begins: Tra la la]
Hayayay, pag-ibig.


Pinoy Text Jokes

Heto ang "Pinoy Text Jokes". Mula ito sa aking inbox. Mga natanggap mula sa kaibigan. Hindi ako ang nagsulat ng mga ito pero ilalagay ko dito para i-share sa inyo. Sana mag-enjoy kayo sa pagbabasa. Will post more later.
**************
CLASS: Mam and baho po dito, may umutot!
MAM: Ok class, sino man and umutot bibigyan ko ng 95 na grade.
PEDRO: Mam ako po! i-100 nyo na mam kc napatae na din po ako!
**************
Si Juan nakabasag ng vase sa museum, attendant nataranta!
Attendant: Naku!!! Yang vase sir more than 500 years old na yan!
Juan: Hay salamat, kala ko bago!
**************
Juanito: Ang gulo ng bahay talaga!
Paeng: May mas gugulo pa ba sa bahay nmin? Tingnan mo, ung pinakasalan kong biyudang may dalagitang anak, pinakasalan naman ni itay ung dalagita. E di lumabas na nanay ko siya ngaun at si itay anak ko. Ang asawa ko naman ay biyenan ni itay. Nang mgkaanak cla, ako ngaun ang lolo ng kapatid ko! Ang gulo di ba?
**************
Sori ngaun lng ako nakatxt sau kc d2 ako ngaun sa OSPITAL according to my doc di na dw ako gagaling. Habang buhay na raw akong
"MAGANDA"
Buti na lng dw
Di nakakahawa!
**************
Effort is only effort when it begins to hurt...
But I remember, my yaya told me once, effort is where you can find
Erflanes…?! Watda…
*************
Teacher: Sino ang pumatay kay Magellan? Dalawang 'L' ang initials niya.
Juan: Lito Lapid?
Teacher: Inuulit ang pangalan nya iho!
Juan: Lito Lito?
Teacher: Kulot xa!
Juan: si Lotlot?
Teacher: Madami sila!
Juan: Lotlot and friends!
***************
SA BAKERY
Pulubi: Ale, palimos po ng cake.
Ale: Aba! Ambisyoso ka! Cake pa hinihingi mo, o ayan pandesal nlng.
Pulubi: Hallerrr!!!
Birthday ko kaya...
***************
"Walang malayong kulangot sa mahabang kuko"
Npakagandang quote.
It signifies determination, creativity and hope.
Sana ma-inspire ka.
***************
Anak: Mommy, ano po yung 10 commandments?
Mommy: Yun ang 10 utos ng Diyos, anak.
Anak: Mas mataas po pla kayo sa Diyos, mommy.
Mommy: Ha? Bakit?
Anak: E kc, mas marami po kayong mga utos.
***************
Anak: Nay, uminom po ako ng BAYGON!
Inay: Bkit mgsu-suicide k b?
Anak: Di po! Nkalunok kc ako ng buhay na ipis
Inay: Tanga! Inom ka ng inom ng gamot, d ka pa nag-lunch.


http://www.emailcashpro.com

Recent Comments