For a moment I wished we were not existent to the world.
That way, we could have savored every moment in the space we moved in.
That way, we could have walked together in a different dimension...
-- a dimension where we belong,
-- a dimension where we deserve to exist,
-- a dimension only known to us...
Labels: From Old Carton Boxes
Ang unang tula ay para sa mga binatang in love. Para rin ito sa mga binatang may stalking tendencies (see second stanza).
Tula ni Luis Talastas
Kay Puring
Ganyan ang dalagang mutya ng tahanan,
Mabangong bulaklak, gandang paraluman;
Mahinhing katulad ng hanging amihan,
Ganyan nga si Puring, mutya ng Silangan.
Sa kanilang bahay, kung ikaw'y pumanhik,
Magandang araw mo'y ngiti ang kapalit;
Sa tindig, sa kilos, hahanga kang pilit,
Kay Puring, ang birheng batbat ng pag-ibig.
Kung mamasdan yaong matang mapupungay,
Bakal mo mang puso'y pilit matutunaw;
Tulog mo mang diwa'y pilit mapupukaw,
Sa dilag ni Puring, perlas ang kabagay.
Ang pangalawang tula naman ay para sa mga binatang bigo sa kabila ng lahat lahat ng ginawang
paraan upang mapa-impress ang kanilang sinisinta. Para rin ito sa mga yaong may suicidal
tendencies (see last stanza).
"Samo"
Tula ni Ricardo A. Marcelo
Kay Potring
Kung malasin ng mata ko ang langit na nagdidilim,
At ako ay nagiisang nagbabata ng damdamin;
Mga matang lumuluha ay sa langit nakatingin,
At ang laging dinarasal ikaw sana'y naging akin.
Di mo lamang nababatid bawa't oras, bawa't saglit,
Sa pagtulog ikaw lamang ang lagi kong panaginip;
At ano pa kayang saksi ang iyo pang ninanais,
Sa puso kong nagtatapat nang dalisay na pag ibig!
Wala ka ring tagong habag sa puso kong lumuluha,
Ang dibdib ko ay luray na sa pihati't mga dusa;
Awa molang at paglingap ang tangi kong ninanasa,
Na magiging kalasag ko sa pagharap kay bathala.
Kung sakaling akong ito'y masawi na sa pagibig,
Dalawin mo lang sandali ang bangkay kong matahimik;
Aty kahit na isang sulyap tapunan ng iyong titig,
Ang bangkay kong malaon ding nagtiis ng dusa't sakit.
Ang huling tula ay isang puzzle pra sa akin. Dahil hindi ako makapag-desisyon kung ano ang
kategorya nito, sabihin na lang nating ito ay para sa mga binatang secret agent, para sa mga
binatang mahilig sa "bawal na pag-ibig", at para sa mga binatang in love sa binatang nagdadalaga.
Tula ni Anastacio T. Angeles
Kay Berto
Ang pag-ibig...
KAPAG nukal na sa puso ang pag-ibig na dakila
Ang mabihg nitong kawal, may tapang ma'y humihina;
Maligalig ang isipan, malimit na matunganga
Laging kimi sa dalagang kinakasi't tinata_n...
Nalulungkot...
Natatakot!...
BINUBUKSAN na ng mutya sa panakaw sa pagtitig
Ang landas na daraanan ng binatang umiibig.
Nguni't ito palibhasa'y may pangambang umuusig
At kung kaya't sa binuksan ng diwata'y lumilihis.
Talinghaga...
Malikmata!...
LAGING laman ng gunita ang dilag na sinusuyo
Subali't pag mapaharap sa dalaga'y nadudungo;
Hinahamon na ng mutya sa sulyap na maaamo
Ang binatang mayrong lihim napipipi namang lalo.
Pumipipi...
Ang pagkasi!...
DAHILAN SA natatakot masiphayo sa mithiin
Kung kaya't ang sumisinta may dusa ma'y naglilihim;
Ang binatang datidati'y kasingsigla niyang lawin
Ay nagiging sakdal hina pag nabihg ng paggiliw.
Ang marapat...
Ipagtapat!...
TANGING lunas na marapat sa pagsintang lumuluha
Lakas loob na sabihin sa dalaga ang pithaya;
Sa pag-ibig ang damdaminglaging duwag ay kawawa,
Samantalang ang may tapang nagkakamit ng biyaya.
Kung kaya nga...
Oh, Binata!...
SUBUKAN mong manandata ng dahilang katapangan
At pag di ka maging "pulot" sa maraming Paraluman;
Ang dalaga'y mayamutin sa duwag na kalooban,
At mailap sa binatang dungungdungo sa sintaban.
Iyan lamang...!
Labels: pag-ibig nga naman
"Sa buhay, ang bawat tao ay makakaisip ng paraan upang sila ay makapagpatuloy na sa kanilang paglalakad at upang makarating na sila sa kanilang paroroonan (Wala Lang, 1st edition)."
Banoffee said (December 15, 2007)...
Medyo naniniwala ako sa pangungusap na ito... at medyo rin hindi. "Hindi" dahil marami akong kilala na hindi talaga alam kung paano magpapatuloy sa kanilang "paglalakad" at hindi rin alam kung saan sila patutungo. Naniniwala naman dahil sa dinami-dami ng mga karanasan ko na sa aking palagay ay may bahid ng pagiging PSR, eh nakakapagpatuloy naman ako at hindi nasa-"stuck".
Ito naman ang masasabi ko...
Akala lang natin na ang ilang mga tao sa ating buhay ay "stuck" na sa kanilang kinatatayuan... Pero kung susuriin natin ang sinabi ni Einstein sa kanyang teoriya ng "relativity" maiintindihan natin ang ibig kong sabihin nang sinabi kong "sa buhay, ang bawat tao ay makakaisip ng paraan upang sila ay makapagpatuloy na sa kanilang paglalakad at upang makarating na sila sa kanilang paroroonan." Isipin mong ikaw ay nasa barko at kasama mo ang iyong kaibigan. Habang ikaw ay paikot-ikot at nag-e-explore ng mga silid sa barko, nakatayo lamang at nagmamasid ang iyong kaibigan sa isang sulok. Para sa iyo hindi gumagalaw ang iyong kaibigan, pero para sa isang tindero ng taho na naglalako sa pier, siya ay mabilis na tumatakbo pa-norte.
Perspective.
May iba iba tayong perspective.
Hindi natin matutukoy ang pag-unlad ng ibang tao base lamang sa ating perspective tulad ng hindi natin kailanman makikita ang galaw ng mga atoms sa iba't ibang bagay gamit ang ating naked eye.
Dagdag pa rito, naniniwala ako na tulad ng ating external environment na patuloy na nagbabago at kumikilos, ang ating internal self ay patuloy ring nagbabago at kumikilos. Ang patuloy na pagkilos na ito ang nagdadala sa bawat isa sa atin para tumahak ng isa o higit pang mga hakbang mula sa ating dating kinatatayuan.
Ang buhay ay dynamic. At kung ito ay dynamic, mayroong pagsulong... maaaring sa iba't ibang degree o level, pero ang pagsulong ay inevitable.
Labels: Wala Lang (Tagalog)
Recent Comments

The Simple Mind by www.tsmthoughts.blogspot.com is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.