Ketchup please!

Nung isang araw ay bumili ako ng french fries sa McDonald's. Paborito ko talaga ang french fries bagamat hindi ito ang dahilan ng pagbili ko nung araw na iyon. Naglalakad kasi ako nang bigla kong maramdaman ang tawag ng kalikasan. Dahil hindi na makakaabot ng bahay ay pumasok na lamang ako sa McDo at duon nakigamit ng "CR". Dahil iniligtas ako ng "CR" ng McDo sa kapahamakan, ay bumili ako ng large fries.

Cashier1: Hi ma'am may I take your order?
Ako: Uh, isang large fries please.

Mabilis ang pangyayari. Sa sobrang bilis ay nakalimutan ng babae na bigyan ako ng ketchup. Marami ako kung humingi ng ketchup. Sa isang large fries ay nakakaubos ako ng 6 na sachet ng tomato ketchup. Wala na si cashier 1 kaya't pumunta ako kay cashier 2. Mukhang trainee si cashier 2.

Ako: Hmmm, miss puede pong humingi ng anim na ketchup?
Cashier2: Ilan po?
Ako: Anim. (nakangiti pa ako.)
Cashier2: Ha? eh... (mukhang dismayado.) Sandali lang po ma'am ha (tinawag pa akong ma'am pero ang tingin sa akin ay parang pulubi na nanlilimos ng ketchup.).

Nakipag-usap si cashier 2 kay cashier 1.

Cashier2: Ma'am humihingi po sya ng anim na ketchup.

Parang napahiya na ako. Feeling ko ay kailangan pa ng court order para makakuha ng paborito kong ka-partner ng aking french fries. Unti-unti nang lumalamig ang fries kasabay ng paglamig ng aking mga kamay at pagkatuyo ng aking lalamunan.

Cashier1: Naku sorry po ma'am pero hindi ko po kayang ibigay sa inyo ang gusto ninyo.

Ito ang kanyang exact words. Hindi ako makapaniwala. Para akong nanliligaw at hindi kayang ibigay sa akin ng aking iniirog ang kanyang puso. Para akong Mt. Pinatubo na gustong mag-erupt muli. This is what I get for asking for 6 sachets of ketchup.

Cashier1: Ma'am 2 lang po ang maibibigay ko sa inyo.

Hindi masaya ang ending. Umalis ako ng McDo ng may 2 sachets ng ketchup. I thought hindi magandang makipagsabunutan over a simple thing.

Hay buhay.

0 comments:

http://www.emailcashpro.com

Recent Comments