Showing posts with label Onli in da Pilipins. Show all posts
Showing posts with label Onli in da Pilipins. Show all posts

Sanitary Lunch



Cannot decide where to eat lunch? Better try this place.

Note: I came across this ad on Philippine Intercollegiate Press dated June 1933.

Warp Zone


Look closely.
Hint: Tingnan ang dalawang orasan.
This is an interesting moment. I didn’t know that there exist different time zones between two sides of the metro train station. May snow kaya sa kabila? (Do you think it's snowing on the other side?)

Hot Pink Street Sign


Walang Tawiran Nakamamatay (My direct translation: “Nobody Crosses, It Could Kill”): Before, signs would only say “Walang Tawiran” (No Crossing). But since we Filipinos are way too hardheaded, the authorities decided to remind (or should I say scare?) the pedestrians that crossing on the wrong area could kill.

Ketchup please!

Nung isang araw ay bumili ako ng french fries sa McDonald's. Paborito ko talaga ang french fries bagamat hindi ito ang dahilan ng pagbili ko nung araw na iyon. Naglalakad kasi ako nang bigla kong maramdaman ang tawag ng kalikasan. Dahil hindi na makakaabot ng bahay ay pumasok na lamang ako sa McDo at duon nakigamit ng "CR". Dahil iniligtas ako ng "CR" ng McDo sa kapahamakan, ay bumili ako ng large fries.

Cashier1: Hi ma'am may I take your order?
Ako: Uh, isang large fries please.

Mabilis ang pangyayari. Sa sobrang bilis ay nakalimutan ng babae na bigyan ako ng ketchup. Marami ako kung humingi ng ketchup. Sa isang large fries ay nakakaubos ako ng 6 na sachet ng tomato ketchup. Wala na si cashier 1 kaya't pumunta ako kay cashier 2. Mukhang trainee si cashier 2.

Ako: Hmmm, miss puede pong humingi ng anim na ketchup?
Cashier2: Ilan po?
Ako: Anim. (nakangiti pa ako.)
Cashier2: Ha? eh... (mukhang dismayado.) Sandali lang po ma'am ha (tinawag pa akong ma'am pero ang tingin sa akin ay parang pulubi na nanlilimos ng ketchup.).

Nakipag-usap si cashier 2 kay cashier 1.

Cashier2: Ma'am humihingi po sya ng anim na ketchup.

Parang napahiya na ako. Feeling ko ay kailangan pa ng court order para makakuha ng paborito kong ka-partner ng aking french fries. Unti-unti nang lumalamig ang fries kasabay ng paglamig ng aking mga kamay at pagkatuyo ng aking lalamunan.

Cashier1: Naku sorry po ma'am pero hindi ko po kayang ibigay sa inyo ang gusto ninyo.

Ito ang kanyang exact words. Hindi ako makapaniwala. Para akong nanliligaw at hindi kayang ibigay sa akin ng aking iniirog ang kanyang puso. Para akong Mt. Pinatubo na gustong mag-erupt muli. This is what I get for asking for 6 sachets of ketchup.

Cashier1: Ma'am 2 lang po ang maibibigay ko sa inyo.

Hindi masaya ang ending. Umalis ako ng McDo ng may 2 sachets ng ketchup. I thought hindi magandang makipagsabunutan over a simple thing.

Hay buhay.

Onli in da Pilipins

Common scene at the grocery/department stores and fast food chains:

Cashier: "Ma'am do you have smaller bills?"
Ako: "Sorry po wala eh."
Cashier: "Kahit po sampung piso?"
Ako: "Naku, wala talaga po, sorry."
Cashier: "Ma'am wala po talaga kayong barya?"
Ako: [Ilalabas ang pitaka at babaliktarin para i-demonstrate ang ibig sabihin ng "wala"]
Ako: "Miss eto ho o, wala. Kung meron akong barya ibinigay ko na sana kanina pa."

What's up with these people? At bakit ba nauso ito sa Pinas? Minsan may ganito pa:

Cashier: "Miss ok lang po ba kung kulang ng 25 cents ang sukli?"
Ako: "May choice ba ako?"
Cashier: "Eh ma'am wala po kasi kaming barya eh."
Ako: "Eh kung ako ang may kulang sa bayad, pinapulis n'yo na siguro ako o pinalabas dito kasi walang pambayad..."
Cashier: "Ah eh, sandali lang po ma'am ask ko lang po."

Hmp! meron naman pala pinatagal pa dahil sa katamaran.
Hay, onli in da Pilipins...

http://www.emailcashpro.com

Recent Comments