15 Signs na Tinamaan ka ni Kupido:

1. Napapatid ka kahit walang bato sa harap mo.
2. Tumatawa ka mag-isa at hindi mapigil ang pag-ngiti. Tapos sisilip sa paligid kung may nakakakita sa iyo dahil alam mong mukha kang sira ulo.
3. Tingin ka ng tingin sa cellphone mo para malaman kung may message na siya... take note, naka high ang volume pero chini-check mo pa rin to be sure.
4. Sini-search mo ang pangalan niya sa internet... tinitingnan mo kung may additional bang information tungkol sa kanya sa Yahoo! o sa Google.
5. Kapag nakikita mo siya kahit mula sa malayo, natataranta ka na.
6. Kapag kausap mo siya, nakakalimutan mo ang pangalan mo.
7. Kapag hahawakan ka niya nanlalambot ang mga tuhod mo.
8. Feel na feel mo ang mga love stories kasi parang nakaka-relate ka.
9. Panay ang tingin mo sa salamin kapag lalabas ka kahit wala kayong date... gusto mong maganda o pleasing ang itsura mo just in case magkita kayo sa daan kahit alam mong hindi naman siya dumadaan sa may area niyo.
10. Hingi ka ng hingi ng sign na siya na ang "the one".
11. Kapag hindi dumating ang sign na sya ang "the one" sa itinakda mong oras, humihingi ka ng ibang sign. Yung sign na most likely mangyayari.
12. Kapag may love song or theme song kayo na malimit mong marinig sa radyo ng jeep, feeling mo mukhang sya na nga ang missing link sa buhay mo.
13. Tigil ka na sa bisyo. May urge na maging mabuting tao. Ang mga taong may atraso sa iyo ay maluwag mo nang pinapatawad.
14. Suddenly, conscious ka na sa timbang mo.
15. Lagi ka nang nagsisipilyo. Alam mo na yun kung bakit.

Ito ang theme song ng mga taong napapatid dahil in-love:


Song lyrics | Clumsy lyrics

0 comments:

http://www.emailcashpro.com

Recent Comments