October is the Rosary Month

Alam niyo ba na ang Oktubre ay ang buwan ng Santo Rosaryo? Hindi? Well, ngayon alam niyo na :)

Si Fr. Stephen Cuyos, MSC and Jun Asis ay nag-combine ng kanilang powers para makapag-record ng Tagalog version ng Santo Rosaryo. Inilagay nila ito sa internet para maraming tao ang makapag-download nito ng libre.

Dahil uso ang ipod ngayon, magandang mailagay rin ang file na ito sa inyong mga portable media players. Habang kayo ay nasa dyip o kaya naman ay sa MRT ay magandang pakinggan ito sa umaga. Para sa mga OFW's kung gusto ninyong magdasal sa inyong sariling wika ay magandang mai-download ang file na ito. Sa mga may pamilya na sa abroad, kung spokening dollar, yen, o kahit anong denomination pa ang inyong mga supling -- i-download ito at iparinig sa kanila para matutong magdasal sa sariling wika. Para sa may sakit o mga taong naka-confine sa ospital, hindi ba't magandang may naririning na nagdadasal kasama ninyo?

Maikling komento:

Sabi ng iba, paulit ulit lang naman ang dasal ng mga Katoliko. Huwag kayong magpapadala sa ganitong mga salita ng discouragement. May rason kung bakit paulit ulit ang ilang mga dasal na sinasabi nating mga Katoliko. Sa paguulit-ulit ng mga salitang ibinahagi sa atin upang magdasal sa Diyos, natutunan natin i-internalize ang mga ito.

Nakakalito ba? O ito example: Kapag kinakabahan ka... anong ginagawa mo? Hindi ba sinasabi sa sarili mo na "relax! relax!" -- at hangga't hindi ka kumakalma ay hindi ka titigil ng pagsasabi nito sa sarili mo.

I-download niyo na ang file. Click the link below at i-share sa mga kapamilya at kaibigan:
Holy Rosary (Tagalog Version)

May our Mother, Mary, Queen of the Most Holy Rosary watch over you and intercede for your concerns.

1 comments:

Anonymous said...

ahhhh
now i know

http://www.emailcashpro.com

Recent Comments