Raffle Ticket

Habang ako'y naglalakad isang gabi ay napadaan ako sa grocery store. Lumaki ang aking singkit na mga mata nang masilayan ang isang brand new na scooter na naka-display sa entrance ng grocery store.

May nakapanalo na pala nito :(

Agad akong nag-connect sa Diyos.

Ako: Lord, bakit naman po hindi niyo ako binigyan ng pagkakataon na makapanalo ng scooter? Nagsisimba naman po ako... hindi naman ako mamamatay tao... nagbabasa ng Bibliya... tumutulong sa kapwa... eh bakit hindi akong kasing-swerte ng ibang tao? Ang lupit niyo naman po sa akin. Hirap na hirap na po ako, pero bakit tila hindi niyo dinidinig ang aking mga dasal?

Sumagot si Lord...

Lord: Anak, ano ba ang inirereklamo mo diyan? Eh hindi ka naman naghulog ng raffle ticket.

Napahiya ako.

Ako: Sorry Lord, wrong mistake.

Minsan talaga tayong mga tao laging sinisisi ang Diyos sa mga bagay na wala tayo. May ginagawa ba tayo para makamtan ang ating mga pangarap at mga pangangailangan? Sabi nga nila, "nasa Diyos and awa, nasa atin ang gawa". Hindi maaaring hingi lang tayo ng hingi. Hindi maaaring sisi tayo ng sisi. Ang aksyon ay magmumula parati sa atin... at ang prutas ng sipag at pawis ay matitikman lamang ng mga taong marunong gumalaw, manampalataya, at maghintay.

0 comments:

http://www.emailcashpro.com

Recent Comments