"Wala Lang" 1st ed.: English translation

Kung ikaw ay Pinoy, basahin mo na lamang ang Tagalog version ng "Wala Lang". Pero kung ikaw ay hindi marunong mag-Tagalog, heto ang English translation. Pasensya na sa English ko ha.

For non-Tagalog readers, here's the English translation of the first edition of "Wala Lang". For non-English readers, kindly click on the translation widget. Thank you.

“Wala Lang.” Whether we admit it or not, we Filipinos do not like confrontation because we are emotionally sensitive and insecure. It is better for us to keep things to ourselves and stay quiet instead of speaking out. Because of the force of evolution, our ancestors (like Piolo Pascual, or probably those who existed earlier) were able to come up with a discreet way of expressing their feelings without getting hurt. The phrase “wala lang” (wala= none, lang= just/only, wala lang= nothing) is uttered at the end of a statement.

I started to write “Wala Lang” out of my desire to post comments on selected articles found on the Siyanga Naman blog by Monsignor Ruben Dimaculangan. My high regard for Monsi’s writings made me feel that my comments are not worth to be posted. Because of this, I included the phrase “wala lang” at the end of each comment I made to express the following message: “This comment is from me, someone with a simple mind, but here I am, giving my personal insights. Read me.”

To continue my story about the short history of “Wala Lang”…

One day, when I woke up from a beautiful dream, I decided to write more seriously (write more seriously=write longer than one sentence). So here is the first edition of “Wala Lang”. I hope you will like it and acquire little wisdom from it.



Nanny Diaries. “Nanny Diaries” is not a story of a girl during the time of Hitler just like Ann Frank. This is about a fictional character named Annie Braddock. She turned down her mother’s ambition for her to be able to work in a firm in the field of finance. Instead, she chose to work as a nanny in the Upper East Side of New York. The part that I will never forget was when her best friend Lynette delivered the words: “You know the path of least resistance? Sometimes they can lead to a minefield.”

Many of us evade the dirt road. We become afraid whenever we become vulnerable. It doesn’t matter if we miss an opportunity as long as we don’t stumble and get hurt. Is it right to manifest this kind of attitude towards life? I think not. Let us do things with our utmost abilities and learn to trust in God’s plan for us. As stated in Psalms 56:11-12, “God I praise your promise; in you I trust, I do not fear. What can mere mortals do to me?”

Let us not get too busy searching for the path of least resistance. Let us accept the road that God is offering us for, in our obedience, we will be transformed. This renewal will give us the satisfaction that is beyond compare to any wealth in the world. Wala lang.



Parallel Synchronized Randomness. The term Parallel Synchronized Randomness (PSR) was mentioned in an interesting film called ‘Science of Sleep’. PSR occurs when two people who do not know each other comes up with the same decision at the same time. Just like what happens when we end up dancing ‘cha cha’ to those whom we bump into on the streets.

Two people walking. They meet face to face. They collide.
Both will step to the side. One will go to the left, and one will go to the right.
They will look at each other. And realize they are still on each other’s way.
Again they will make a step.
Still they are face to face.
The process will repeat itself again and again. Again and again.

PSR is interesting because the process is a bit like when we meet someone we feel comfortable with. Two strangers will bump onto each other. They will make a decision at the same moment and their decision is parallel to the decision of the other until they are unable to part from each other.

But PSR moments do not go on forever just as we cannot keep the special people whom we have discovered. In life, each person will find a way to go on walking and reach their intended destination. It also happens rarely, so we have to savor our “PSR moments”. Let us learn to value the people we meet and learn to cherish the times we spend with the special people in our lives. Wala lang.



Solitaire. One night, I thought about playing the game of solitaire installed in my pocket PC. Before I started playing, I began thinking about my deceased grandmother who likes playing this card game. Before she starts a game, she would silently think of one wish. If she wins a game, it would mean that her wish would be granted. That night when I played the game, I didn’t think of a wish before each game. Instead, I thought of one question per game. The mechanics goes as: if I will win a game means the answer to my question is a YES, if I lose a game it means that the answer to my question is a NO.

Questions like: “Will I pass the board exam?” and “Does [censored] love me?” played on my mind. I lost. Every game I lost. And because of this, I ended up with more questions… hoping I will win. But I lost every game.

Sometimes because of the uncertainty of life, we are able to do things that no sane person would ever do. What I did was silly. The YES and NO’s of life should not depend on the game of solitaire. Before I let go of my pocket PC, I thought about asking one last question. “Pampalubag loob [Just to make myself feel better]" I said to myself. I won. At last, the answer was YES.”

Oh by the way, the last question I asked was: “Does God love me?”

Wala lang.



Prof. Flatulence. [I wasn’t around when this happened, but this is based on a true event.] One of the unforgettable stories my schoolmates told me in high school is the one about our teacher who farted while giving a lecture. After releasing the lethal gas from his system, he turned and told the class, “I’m okay. I’m okay.”

I would laugh every time I remember this story. But there exists two moral lessons in this story. First, when we bother or hurt others, the right thing to say is, “I’m sorry” (Okay when one farts, we all know that “excuse me” is not enough). Second, when we bother or hurt others, the self doesn’t come first. Let us learn to be concerned about others and say, “Are you okay? Are you okay?”

Wala Lang.

WALA LANG: Ang Unang Edisyon

Wala Lang”: Ang Panimula. Aminin natin at sa hindi, tayong mga Pilipino ay ayaw ng confrontation dahil tayo ay emotionally sensitive at insecure. Mas mabuti pang tayo’y magtiis at magkimkim ng nararamdaman kaysa magsalita. Dahil sa kapangyarihan ng evolution, ang ating mga ninuno (tulad nina Piolo Pascual, o siguro yung mga mas nauna pa) ay nakabuo ng discreet na paraan ng pagsasalita o pagtatapat ng hindi nasasaktan. Ano ang paraan na ito? Ito ay ang pagsasabi ng “wala lang” sa dulo ng bawat mahahalang kataga na ating sinasabi.

Nagsimula akong magsulat ng “Wala Lang” sa kagustuhan kong makapagkomento sa mga sulat ni Monsignor Ruben Dimaculangan sa kanyang blog na Siyanga Naman. Dahil sa aking high regard sa mga akda ni Monsi, pakiramdam ko ay walang binatbat ang aking mga komento. Dahil dito, naisip kong lagyan ng katagang “wala lang” sa bawat dulo ng aking mga komento para iparating na “Ito ay mula sa isang taong may simpleng pag-iisip, ngunit heto ako’t naglakas loob magbigay ng personal insights. Read me.”

Para ipagpatuloy ang kwento ng maikling history ng “Wala Lang”…

Isang araw nang ako ay nagising mula sa isang magandang panaginip, ay nagpasya akong magsulat ng mas seryoso (magsulat ng mas seryoso= magsulat ng mas mahaba pa sa isang pangungusap). Kaya’t heto ang unang edisyon ng “Wala Lang”. Nawa ay magustuhan ninyo ito at kapulutan din ng kaunting karunungan.



Nanny Diaries. Ang “Nanny Diaries” ay hindi istorya ng isang babae sa panahon ni Hitler tulad ni Ann Frank. Ito ay ukol sa isang fictional character na si Annie Braddock. Tinalikuran niya ang pangarap ng kanyang ina na siya ay makapagtrabaho sa isang kumpanya sa larangan ng finance. Imbis ay nagtrabaho siya bilang isang nanny sa Upper East Side, New York. Ang hindi ko malilimutang parte ng istorya ay nuong sinabi ng kanyang best friend na si Lynette ang linyang ito: ”You know the path of least resistance? Sometimes they can lead to a minefield.”

Marami sa atin ang umiiwas sa masukal at lubak-lubak na daan. Natatakot tayo kapag tayo ay nagiging vulnerable. Hindi na baling lumipas ang mga oportunidad huwag lamang madapa at masaktan. Pero ganito nga ba dapat ang ating attitude sa buhay? I think not. Gumawa tayo ng mga bagay sa abot ng ating makakaya at matuto tayong magtiwala sa plano ng Diyos. Sabi nga sa Psalms 56:11-12, “God I praise your promise; in you I trust, I do not fear. What can mere mortals do to me?

Huwag tayong maging abala sa paghahanap ng path of least resistance. Tanggapin natin ang daan na ibinibigay sa atin ng Diyos. In our obedience, we will be transformed. Ang renewal na ito ang magbibigay sa atin ng kakaibang satisfaction. Satisfaction na higit pa sa kahit anong kayamanan sa mundo. Wala lang.


Parallel Synchronized Randomness. Nabanggit sa interesanteng pelikula na pinakamagatang ‘Science of Sleep’ ang Parallel Synchronized Randomness (PSR). Ito ay nangyayari kapag ang dalawang taong hindi magkakilala ay nagkakaroon ng parehong desisyon sa parehong pagkakataon. Tulad na lamang ng nangyayari sa atin sa kalye kapag nakikipag-’cha cha’ tayo sa nakabanggaan natin sa daan.

Dalawang taong naglalakad. Nagkasalubong. Nagkabanggan.
Sabay hahakbang sa gilid. Ang isa sa kanyang kaliwa, ang isa sa kanyang kanan.
Titingin sa isa’t isa. Malalaman na magkatapat pa rin sila.
Sabay hakbang muli.
Magkatapat pa rin.
Paulit ulit. Paulit ulit.


Nakakatuwa ang PSR dahil parang ganito ang nangyayari kapag nakakakita tayo ng taong nakakagaanan natin ng loob. Dalawang estranghero ang magkakasalubong. Gumagawa ng mga desisyon sa parehong panahon, at ang mga desisyon ng isa ay katapat ng desisyon ng isa. Hanggang sa hindi na nila maiwasan ang isa’t isa.

Pero ang PSR moments ay hindi permanente. Ganun din ang pamamalagi ng mga nadiskubre nating mga taong nakakagaanan natin ng loob. Sa buhay, ang bawat tao ay makakaisip ng paraan upang sila ay makapagpatuloy na sa kanilang paglalakad at upang makarating na sila sa kanilang paroroonan. Bukod sa di ito permanente, ito rin ay madalang mangyari. Kaya’t ating namnamin ang ating “PSR moments”. Matuto tayong magpahalaga ng bawat taong nakakasalamuha natin. Atin ring pahalagahan ang panahong naibibigay sa atin na makasama ang mga taong ito. Wala lang.




Prof. Flatulence. [Wala ako noong nangyari ito, pero ito ay based on a true event.] Ang isa sa mga unforgettable stories sa akin ng mga schoolmates ko sa high school ay ang tungkol sa aming guro na biglang umutot habang nagtuturo. Matapos niyang pakawalan ang isang nakakamatay na gas mula sa kanyang sistema, siya ay lumingon sa klase at biglang sinabi, “I’m okay. I’m okay.”

Tawa ako ng tawa kapag naiisip ko ito. Pero ang istoryang ito ay may dalawang moral lessons. Una, kapag tayo ay nakaperwisyo o nakasakit sa iba, ang tamang sasabihin ay, “I’m sorry” (Okay when one farts, we all know that “excuse me” is not enough). Pangalawa, kapag tayo ay nakaperwisyo o nakasakit, hindi dapat mauuna ang ating sarili. Matuto tayong mag-isip para sa iba at magsabi ng, “Are you okay? Are you okay?”


Wala lang.



Solitaire. Isang gabi ay naisip kong maglaro ng solitaire sa aking pocket PC. Bago ako nakapagsimula ay naalala ko ang aking yumaong lola na mahilig maglaro nito. Tuwing siya ay maglalaro ay tahimik muna siyang mag-iisip ng isang wish. Kapag nakakabuo siya ng isang laro sa solitaire, ang ibig sabihin nito ay maaring magkatotoo ang wish. Nuong gabing ako’y naglaro, hindi ako nag-isip ng wish bago maglaro. Bagkus ay nag-isip ako ng tanong. Ang sistema ay ganito: kapag ako’y nakabuo, ibig sabihin nito ay YES at kapag natalo, ibig sabihin naman ay NO.
Ang mga tanong na tulad ng: “Papasa ba ako sa board exam?” at “Mahal ba ako ni [censored]?“ ang naglaro sa aking isipan. Talo. Lahat talo. At dahil dito, dumami ng dumami ang aking tanong… umaasang mananalo rin ako. Pero talo talaga.

Minsan, marahil dahil sa uncertainty ng buhay ay may mga nagagawa tayong bagay na hindi gagawin ng isang matinong tao. Kalokohan ang aking ginawa. Hindi dapat nakasalalay ang YES at NO ng buhay sa larong solitaire. Bago ko binitawan ang pocket PC, naisip kong matanong ng isa na lamang na katanungan. “Pampalubag loob,” sabi ko sa sarili. Nanalo rin ako. Sa wakas, YES ang naging sagot.

Syanga pala, yung huli kong katanungan ay ito: “Mahal ba ako ni Lord?

Wala lang.

Signs na Tinamaan ka ni Kupido, Part II

Hello! kung nagustuhan ninyo ang Part I, heto ang karagdagang 15 signs.

16. Ang pangalan niya (o kahit anong pangalan na ina-associate mo sa kanya) ay iyong naririnig kung saan saan. Minsan nakikita mo pa ito sa mga TV, graffiti, street signs, sa decorasyon ng dyip o sa karatula ng mga sari-sari store. Halimbawa, kung siya ay taga-Mindoro, marami ang may suot ng Puerto Galera souvenir shirts, o bigla mo na lang malalaman na duon itatanghal ang WOWOWEE, o kaya naman ay makikita mo na ito ang featured na lugar ng banner ng WOW! Philippines. Kung ang pangalan naman niya ay Dong, bigla mong makikita sa grocery ang "Ding-Dong" o kaya naman ay makikita si Dong Puno sa TV o maririnig si Ding Dong Avanzado sa radyo.

17. Kung matalino ka at eloquent speaker, nawawala ito kapag andyan na siya. Parang lahat ng nasa isip mong sabihin sa kanya ay non-sense.

18. Hindi mo mapigilang maging available para sa kanyang mga requests. Kahit ano ay puede mong i-cancel para lamang makita o makasama o mapagbigyan siya.

19. Ang "Filipino time" (laging huli) o kaya ay "Indian time" (hindi dumarating o nang-i-indian) ay wala na sa iyong diksyunaryo. Napapalitan na ito ng "American time" (dumarating sa eksaktong oras na itinakda) or kaya naman ay "Military time" (mas maaga pa sa sikat ng araw).

20. Handa ka nang magbasag ng piggy bank para makapagbigay ka ng espesyal na regalo. Kung hindi naman ay para may panggastos ka pa habang nang-i-i-stalk ka.

21. Hindi mo alam kung maloloka ka na kasi hindi ka makagawa ng ibang bagay. Ang kaya mo lang gawin ay ang isipin siya.

22. Parang ang bagal ng oras kapag hindi mo siya nakikita. Kapag magkasama naman kayo ay parang mabilis ito (ang oras).

23. Para kang nakahithit ng droga. Nahuhumaling. Ang mundo ay makulay, ang gaan ng pakiramdam, sobra ang saya, lahat ng makita ay maganda, kahit ano ay maaaring gawin. Minsan naman parang naka-inhale ng Salbutamol o Ventolin. Nanghihina, nanginginig, malakas ang tibok ng puso.

24. Ang espesyal na tao sa inyong buhay ay parang si Benny Hinn (isang charismatic healer). Ang inyong mga sugat ay nahihilom at ang sakit ay nawawala.

25. May nararamdaman kang force na nagdadala sa inyong dalawa para magkita. Parang laging may pagkakataon o nagkaroon ng dahilan para kayo ay magkasama. Kung wala ang force na ito, I am sure i-fo-force mong magka-force (pero ang tawag sa iyo nyan ngayon ay "stalker" -- please seek medical attention).

26. Ang text message nya ay kayamanan. Kahit "k." lang ang laman ng text, hindi mo ito buburahin sa inbox mo. Kung may pagka-sentimental ka, isusulat mo pa ang lahat ng kanyang messages sa isang kwaderno (with time and date).

27. Hindi ka makatingin sa kanya. Kahit gusto mo. Natatakot na matunaw kapag nasilayan ang kanyang mata (o labi).

28. Tila kayo lang dalawa ang nabubuhay sa mundo. Ang ibang nilalang ng Diyos ay nagiging "background" na lamang. Hindi mo na ito napapansin. Para kayong nasa loob ng isang vacuum.

29. Maliban sa kaligayahan ay nagkakaroon ng takot. Minsan, hindi mo matukoy ang pinanggagalingan ng takot na ito. Iba't iba ang nagiging takot. Depende sa kung anong klaseng tao ka. Takot na ma-reject, takot na masaktan, takot na pagsawaan, takot na iwanan, takot na maloko... jealousy, paranoia, dependence, obsession. Gamot para dito: kilalanin ang sarili para mabawasan ang insecurities at mga takot. Pag-ingatan ang puso at isip. Hinay hinay lang.

30. Ang alter ego mong si "Scrooge" o "Shrek" ay naglalaho. Natututo kang magbigay sa iba. Nagkakaroon ka ng abilidad na maging masaya para sa kaligayahan ng iba... lalo na para sa kaligayahan ng taong iyong tinatangi.

http://www.emailcashpro.com

Recent Comments