We stepped into the church and it was old and a bit dark. Mass had just begun and we sat toward the front. We didn't know what to expect here in Istanbul , Turkey . I guess we expected it to be a sombre Mass but quiet and sombre it was not - I thought I heard angels joyously singing behind me.
The voices were rich, melodic and beautiful. What I discovered as I spun around to look did not surprise me because I had seen and heard the same thing in other churches around the world. It was not a choir of angels with feathered wings and halos but a group of delightful Filipino Catholics with smiles of delight and joy on their faces as they worshiped God and sang His praises. I had seen this many times before in Rome , in Israel ,in the United States and other countries.
Filipinos have special traits and they are beautifully expressed as I gazed at the happy throng giving thanks to God. What are the special traits which characterize these happy people? I will share a few that I have noticed- personal observations- as I have travelled around the world, including visits to the Philippines
FIRST, there is a sense of community, of family. These Filipino Christians did not sit apart from each other in different isles. They sat together, closely. They didn't just sing quietly, mumbling, or simply mouthing the words. No, they raised their voices in harmony together as though they enjoyed the sense of unity and communion among them. They are family even if they are not related.
SECOND, they have an inner peace and joy which is rare in the world today. When most of the world's citizens are worried and fretful, I have found Filipinos to have joy and peace - a deep sense of God's love that over shadows them. They have problems too, and many in the Philippines have less material goods than others in the world, yet there is still a sense of happy trust in God and love of neighbour.
THIRD, there is a love for God and for his Son Jesus that is almost synonymous with the word Filipino. There is also something that Filipinos are famous for around the world - their love for the Blessed Mother. Among the many Filipinos I have met, the affectionate title for Mary I always hear from their lips is "Mama Mary." For these gentle folks Mary is not just a theological idea, a historical person, or a statue in a church - Mary is the mother of their Lord and their mother as well, their "mama."
The Philippines is a Catholic nation-the only such nation in Asia -and this wonderful country exports missionaries around the world. They are not hired to be missionaries, not official workers of the church. No, they are workers and educators, doctors, nurses and housekeepers that go to other lands and travel to the far reaches of the earth, and everywhere they go they take the joyous gospel of Jesus with them. They make a sombre Mass joyful when they burst into song. They convict the pagan of sin as they always keep the love of Jesus and the Eucharist central in their lives.
My hope and prayer, while I am here in the Philippines sharing my conversion story from Baptist Protestant to Roman Catholic, is that the Filipino people will continue to keep these precious qualities. I pray that they will continue loving their families, loving the Catholic Church, reading the Bible, loving Jesus, His Mother and the Eucharist.
As many other religions and sects try to persuade them to leave the Church, may God give the wisdom to defend the Catholic faith. As the world tempts them to sin and seek only money and fame and power, may God grant them the serenity to always remember that obedience to Christ and love for God is far more important than all the riches the world can offer.
May the wonderful Filipino people continue to be a light of the Gospel to the whole world!
Be a proud Filipino and forward this to friends!
Labels: buhay katoliko
For a moment I wished we were not existent to the world.
That way, we could have savored every moment in the space we moved in.
That way, we could have walked together in a different dimension...
-- a dimension where we belong,
-- a dimension where we deserve to exist,
-- a dimension only known to us...
Labels: From Old Carton Boxes
Ang unang tula ay para sa mga binatang in love. Para rin ito sa mga binatang may stalking tendencies (see second stanza).
Tula ni Luis Talastas
Kay Puring
Ganyan ang dalagang mutya ng tahanan,
Mabangong bulaklak, gandang paraluman;
Mahinhing katulad ng hanging amihan,
Ganyan nga si Puring, mutya ng Silangan.
Sa kanilang bahay, kung ikaw'y pumanhik,
Magandang araw mo'y ngiti ang kapalit;
Sa tindig, sa kilos, hahanga kang pilit,
Kay Puring, ang birheng batbat ng pag-ibig.
Kung mamasdan yaong matang mapupungay,
Bakal mo mang puso'y pilit matutunaw;
Tulog mo mang diwa'y pilit mapupukaw,
Sa dilag ni Puring, perlas ang kabagay.
Ang pangalawang tula naman ay para sa mga binatang bigo sa kabila ng lahat lahat ng ginawang
paraan upang mapa-impress ang kanilang sinisinta. Para rin ito sa mga yaong may suicidal
tendencies (see last stanza).
"Samo"
Tula ni Ricardo A. Marcelo
Kay Potring
Kung malasin ng mata ko ang langit na nagdidilim,
At ako ay nagiisang nagbabata ng damdamin;
Mga matang lumuluha ay sa langit nakatingin,
At ang laging dinarasal ikaw sana'y naging akin.
Di mo lamang nababatid bawa't oras, bawa't saglit,
Sa pagtulog ikaw lamang ang lagi kong panaginip;
At ano pa kayang saksi ang iyo pang ninanais,
Sa puso kong nagtatapat nang dalisay na pag ibig!
Wala ka ring tagong habag sa puso kong lumuluha,
Ang dibdib ko ay luray na sa pihati't mga dusa;
Awa molang at paglingap ang tangi kong ninanasa,
Na magiging kalasag ko sa pagharap kay bathala.
Kung sakaling akong ito'y masawi na sa pagibig,
Dalawin mo lang sandali ang bangkay kong matahimik;
Aty kahit na isang sulyap tapunan ng iyong titig,
Ang bangkay kong malaon ding nagtiis ng dusa't sakit.
Ang huling tula ay isang puzzle pra sa akin. Dahil hindi ako makapag-desisyon kung ano ang
kategorya nito, sabihin na lang nating ito ay para sa mga binatang secret agent, para sa mga
binatang mahilig sa "bawal na pag-ibig", at para sa mga binatang in love sa binatang nagdadalaga.
Tula ni Anastacio T. Angeles
Kay Berto
Ang pag-ibig...
KAPAG nukal na sa puso ang pag-ibig na dakila
Ang mabihg nitong kawal, may tapang ma'y humihina;
Maligalig ang isipan, malimit na matunganga
Laging kimi sa dalagang kinakasi't tinata_n...
Nalulungkot...
Natatakot!...
BINUBUKSAN na ng mutya sa panakaw sa pagtitig
Ang landas na daraanan ng binatang umiibig.
Nguni't ito palibhasa'y may pangambang umuusig
At kung kaya't sa binuksan ng diwata'y lumilihis.
Talinghaga...
Malikmata!...
LAGING laman ng gunita ang dilag na sinusuyo
Subali't pag mapaharap sa dalaga'y nadudungo;
Hinahamon na ng mutya sa sulyap na maaamo
Ang binatang mayrong lihim napipipi namang lalo.
Pumipipi...
Ang pagkasi!...
DAHILAN SA natatakot masiphayo sa mithiin
Kung kaya't ang sumisinta may dusa ma'y naglilihim;
Ang binatang datidati'y kasingsigla niyang lawin
Ay nagiging sakdal hina pag nabihg ng paggiliw.
Ang marapat...
Ipagtapat!...
TANGING lunas na marapat sa pagsintang lumuluha
Lakas loob na sabihin sa dalaga ang pithaya;
Sa pag-ibig ang damdaminglaging duwag ay kawawa,
Samantalang ang may tapang nagkakamit ng biyaya.
Kung kaya nga...
Oh, Binata!...
SUBUKAN mong manandata ng dahilang katapangan
At pag di ka maging "pulot" sa maraming Paraluman;
Ang dalaga'y mayamutin sa duwag na kalooban,
At mailap sa binatang dungungdungo sa sintaban.
Iyan lamang...!
Labels: pag-ibig nga naman
"Sa buhay, ang bawat tao ay makakaisip ng paraan upang sila ay makapagpatuloy na sa kanilang paglalakad at upang makarating na sila sa kanilang paroroonan (Wala Lang, 1st edition)."
Banoffee said (December 15, 2007)...
Medyo naniniwala ako sa pangungusap na ito... at medyo rin hindi. "Hindi" dahil marami akong kilala na hindi talaga alam kung paano magpapatuloy sa kanilang "paglalakad" at hindi rin alam kung saan sila patutungo. Naniniwala naman dahil sa dinami-dami ng mga karanasan ko na sa aking palagay ay may bahid ng pagiging PSR, eh nakakapagpatuloy naman ako at hindi nasa-"stuck".
Ito naman ang masasabi ko...
Akala lang natin na ang ilang mga tao sa ating buhay ay "stuck" na sa kanilang kinatatayuan... Pero kung susuriin natin ang sinabi ni Einstein sa kanyang teoriya ng "relativity" maiintindihan natin ang ibig kong sabihin nang sinabi kong "sa buhay, ang bawat tao ay makakaisip ng paraan upang sila ay makapagpatuloy na sa kanilang paglalakad at upang makarating na sila sa kanilang paroroonan." Isipin mong ikaw ay nasa barko at kasama mo ang iyong kaibigan. Habang ikaw ay paikot-ikot at nag-e-explore ng mga silid sa barko, nakatayo lamang at nagmamasid ang iyong kaibigan sa isang sulok. Para sa iyo hindi gumagalaw ang iyong kaibigan, pero para sa isang tindero ng taho na naglalako sa pier, siya ay mabilis na tumatakbo pa-norte.
Perspective.
May iba iba tayong perspective.
Hindi natin matutukoy ang pag-unlad ng ibang tao base lamang sa ating perspective tulad ng hindi natin kailanman makikita ang galaw ng mga atoms sa iba't ibang bagay gamit ang ating naked eye.
Dagdag pa rito, naniniwala ako na tulad ng ating external environment na patuloy na nagbabago at kumikilos, ang ating internal self ay patuloy ring nagbabago at kumikilos. Ang patuloy na pagkilos na ito ang nagdadala sa bawat isa sa atin para tumahak ng isa o higit pang mga hakbang mula sa ating dating kinatatayuan.
Ang buhay ay dynamic. At kung ito ay dynamic, mayroong pagsulong... maaaring sa iba't ibang degree o level, pero ang pagsulong ay inevitable.
Labels: Wala Lang (Tagalog)
Labels: Text Quotes
Labels: Pinoy Text Jokes
Labels: Onli in da Pilipins, Pictures
Labels: Da Signs, Onli in da Pilipins
Labels: Da Signs, Onli in da Pilipins

When I was on an airplane bound for Manila I saw this sign on the right wing. Yes, I think it is a good idea not to walk outside the specified area especially if the plane is flying. This is a very useful sign for airline passengers.
Labels: Da Signs
Kung ikaw ay Pinoy, basahin mo na lamang ang Tagalog version ng "Wala Lang". Pero kung ikaw ay hindi marunong mag-Tagalog, heto ang English translation. Pasensya na sa English ko ha.
For non-Tagalog readers, here's the English translation of the first edition of "Wala Lang". For non-English readers, kindly click on the translation widget. Thank you.
“Wala Lang.” Whether we admit it or not, we Filipinos do not like confrontation because we are emotionally sensitive and insecure. It is better for us to keep things to ourselves and stay quiet instead of speaking out. Because of the force of evolution, our ancestors (like Piolo Pascual, or probably those who existed earlier) were able to come up with a discreet way of expressing their feelings without getting hurt. The phrase “wala lang” (wala= none, lang= just/only, wala lang= nothing) is uttered at the end of a statement.
I started to write “Wala Lang” out of my desire to post comments on selected articles found on the Siyanga Naman blog by Monsignor Ruben Dimaculangan. My high regard for Monsi’s writings made me feel that my comments are not worth to be posted. Because of this, I included the phrase “wala lang” at the end of each comment I made to express the following message: “This comment is from me, someone with a simple mind, but here I am, giving my personal insights. Read me.”
To continue my story about the short history of “Wala Lang”…
One day, when I woke up from a beautiful dream, I decided to write more seriously (write more seriously=write longer than one sentence). So here is the first edition of “Wala Lang”. I hope you will like it and acquire little wisdom from it.
Nanny Diaries. “Nanny Diaries” is not a story of a girl during the time of Hitler just like Ann Frank. This is about a fictional character named Annie Braddock. She turned down her mother’s ambition for her to be able to work in a firm in the field of finance. Instead, she chose to work as a nanny in the Upper East Side of New York. The part that I will never forget was when her best friend Lynette delivered the words: “You know the path of least resistance? Sometimes they can lead to a minefield.”
Many of us evade the dirt road. We become afraid whenever we become vulnerable. It doesn’t matter if we miss an opportunity as long as we don’t stumble and get hurt. Is it right to manifest this kind of attitude towards life? I think not. Let us do things with our utmost abilities and learn to trust in God’s plan for us. As stated in Psalms 56:11-12, “God I praise your promise; in you I trust, I do not fear. What can mere mortals do to me?”
Let us not get too busy searching for the path of least resistance. Let us accept the road that God is offering us for, in our obedience, we will be transformed. This renewal will give us the satisfaction that is beyond compare to any wealth in the world. Wala lang.
Parallel Synchronized Randomness. The term Parallel Synchronized Randomness (PSR) was mentioned in an interesting film called ‘Science of Sleep’. PSR occurs when two people who do not know each other comes up with the same decision at the same time. Just like what happens when we end up dancing ‘cha cha’ to those whom we bump into on the streets.
Two people walking. They meet face to face. They collide.
Both will step to the side. One will go to the left, and one will go to the right.
They will look at each other. And realize they are still on each other’s way.
Again they will make a step.
Still they are face to face.
The process will repeat itself again and again. Again and again.
PSR is interesting because the process is a bit like when we meet someone we feel comfortable with. Two strangers will bump onto each other. They will make a decision at the same moment and their decision is parallel to the decision of the other until they are unable to part from each other.
But PSR moments do not go on forever just as we cannot keep the special people whom we have discovered. In life, each person will find a way to go on walking and reach their intended destination. It also happens rarely, so we have to savor our “PSR moments”. Let us learn to value the people we meet and learn to cherish the times we spend with the special people in our lives. Wala lang.
Solitaire. One night, I thought about playing the game of solitaire installed in my pocket PC. Before I started playing, I began thinking about my deceased grandmother who likes playing this card game. Before she starts a game, she would silently think of one wish. If she wins a game, it would mean that her wish would be granted. That night when I played the game, I didn’t think of a wish before each game. Instead, I thought of one question per game. The mechanics goes as: if I will win a game means the answer to my question is a YES, if I lose a game it means that the answer to my question is a NO.
Questions like: “Will I pass the board exam?” and “Does [censored] love me?” played on my mind. I lost. Every game I lost. And because of this, I ended up with more questions… hoping I will win. But I lost every game.
Sometimes because of the uncertainty of life, we are able to do things that no sane person would ever do. What I did was silly. The YES and NO’s of life should not depend on the game of solitaire. Before I let go of my pocket PC, I thought about asking one last question. “Pampalubag loob [Just to make myself feel better]" I said to myself. I won. At last, the answer was YES.”
Oh by the way, the last question I asked was: “Does God love me?”
Wala lang.
Prof. Flatulence. [I wasn’t around when this happened, but this is based on a true event.] One of the unforgettable stories my schoolmates told me in high school is the one about our teacher who farted while giving a lecture. After releasing the lethal gas from his system, he turned and told the class, “I’m okay. I’m okay.”
I would laugh every time I remember this story. But there exists two moral lessons in this story. First, when we bother or hurt others, the right thing to say is, “I’m sorry” (Okay when one farts, we all know that “excuse me” is not enough). Second, when we bother or hurt others, the self doesn’t come first. Let us learn to be concerned about others and say, “Are you okay? Are you okay?”
Wala Lang.
“Wala Lang”: Ang Panimula. Aminin natin at sa hindi, tayong mga Pilipino ay ayaw ng confrontation dahil tayo ay emotionally sensitive at insecure. Mas mabuti pang tayo’y magtiis at magkimkim ng nararamdaman kaysa magsalita. Dahil sa kapangyarihan ng evolution, ang ating mga ninuno (tulad nina Piolo Pascual, o siguro yung mga mas nauna pa) ay nakabuo ng discreet na paraan ng pagsasalita o pagtatapat ng hindi nasasaktan. Ano ang paraan na ito? Ito ay ang pagsasabi ng “wala lang” sa dulo ng bawat mahahalang kataga na ating sinasabi.
Nagsimula akong magsulat ng “Wala Lang” sa kagustuhan kong makapagkomento sa mga sulat ni Monsignor Ruben Dimaculangan sa kanyang blog na Siyanga Naman. Dahil sa aking high regard sa mga akda ni Monsi, pakiramdam ko ay walang binatbat ang aking mga komento. Dahil dito, naisip kong lagyan ng katagang “wala lang” sa bawat dulo ng aking mga komento para iparating na “Ito ay mula sa isang taong may simpleng pag-iisip, ngunit heto ako’t naglakas loob magbigay ng personal insights. Read me.”
Para ipagpatuloy ang kwento ng maikling history ng “Wala Lang”…
Isang araw nang ako ay nagising mula sa isang magandang panaginip, ay nagpasya akong magsulat ng mas seryoso (magsulat ng mas seryoso= magsulat ng mas mahaba pa sa isang pangungusap). Kaya’t heto ang unang edisyon ng “Wala Lang”. Nawa ay magustuhan ninyo ito at kapulutan din ng kaunting karunungan.
Nanny Diaries. Ang “Nanny Diaries” ay hindi istorya ng isang babae sa panahon ni Hitler tulad ni Ann Frank. Ito ay ukol sa isang fictional character na si Annie Braddock. Tinalikuran niya ang pangarap ng kanyang ina na siya ay makapagtrabaho sa isang kumpanya sa larangan ng finance. Imbis ay nagtrabaho siya bilang isang nanny sa Upper East Side, New York. Ang hindi ko malilimutang parte ng istorya ay nuong sinabi ng kanyang best friend na si Lynette ang linyang ito: ”You know the path of least resistance? Sometimes they can lead to a minefield.”
Marami sa atin ang umiiwas sa masukal at lubak-lubak na daan. Natatakot tayo kapag tayo ay nagiging vulnerable. Hindi na baling lumipas ang mga oportunidad huwag lamang madapa at masaktan. Pero ganito nga ba dapat ang ating attitude sa buhay? I think not. Gumawa tayo ng mga bagay sa abot ng ating makakaya at matuto tayong magtiwala sa plano ng Diyos. Sabi nga sa Psalms 56:11-12, “God I praise your promise; in you I trust, I do not fear. What can mere mortals do to me?”
Huwag tayong maging abala sa paghahanap ng path of least resistance. Tanggapin natin ang daan na ibinibigay sa atin ng Diyos. In our obedience, we will be transformed. Ang renewal na ito ang magbibigay sa atin ng kakaibang satisfaction. Satisfaction na higit pa sa kahit anong kayamanan sa mundo. Wala lang.
Parallel Synchronized Randomness. Nabanggit sa interesanteng pelikula na pinakamagatang ‘Science of Sleep’ ang Parallel Synchronized Randomness (PSR). Ito ay nangyayari kapag ang dalawang taong hindi magkakilala ay nagkakaroon ng parehong desisyon sa parehong pagkakataon. Tulad na lamang ng nangyayari sa atin sa kalye kapag nakikipag-’cha cha’ tayo sa nakabanggaan natin sa daan.
Dalawang taong naglalakad. Nagkasalubong. Nagkabanggan.
Sabay hahakbang sa gilid. Ang isa sa kanyang kaliwa, ang isa sa kanyang kanan.
Titingin sa isa’t isa. Malalaman na magkatapat pa rin sila.
Sabay hakbang muli.
Magkatapat pa rin.
Paulit ulit. Paulit ulit.
Nakakatuwa ang PSR dahil parang ganito ang nangyayari kapag nakakakita tayo ng taong nakakagaanan natin ng loob. Dalawang estranghero ang magkakasalubong. Gumagawa ng mga desisyon sa parehong panahon, at ang mga desisyon ng isa ay katapat ng desisyon ng isa. Hanggang sa hindi na nila maiwasan ang isa’t isa.
Pero ang PSR moments ay hindi permanente. Ganun din ang pamamalagi ng mga nadiskubre nating mga taong nakakagaanan natin ng loob. Sa buhay, ang bawat tao ay makakaisip ng paraan upang sila ay makapagpatuloy na sa kanilang paglalakad at upang makarating na sila sa kanilang paroroonan. Bukod sa di ito permanente, ito rin ay madalang mangyari. Kaya’t ating namnamin ang ating “PSR moments”. Matuto tayong magpahalaga ng bawat taong nakakasalamuha natin. Atin ring pahalagahan ang panahong naibibigay sa atin na makasama ang mga taong ito. Wala lang.
Prof. Flatulence. [Wala ako noong nangyari ito, pero ito ay based on a true event.] Ang isa sa mga unforgettable stories sa akin ng mga schoolmates ko sa high school ay ang tungkol sa aming guro na biglang umutot habang nagtuturo. Matapos niyang pakawalan ang isang nakakamatay na gas mula sa kanyang sistema, siya ay lumingon sa klase at biglang sinabi, “I’m okay. I’m okay.”
Tawa ako ng tawa kapag naiisip ko ito. Pero ang istoryang ito ay may dalawang moral lessons. Una, kapag tayo ay nakaperwisyo o nakasakit sa iba, ang tamang sasabihin ay, “I’m sorry” (Okay when one farts, we all know that “excuse me” is not enough). Pangalawa, kapag tayo ay nakaperwisyo o nakasakit, hindi dapat mauuna ang ating sarili. Matuto tayong mag-isip para sa iba at magsabi ng, “Are you okay? Are you okay?”
Wala lang.
Solitaire. Isang gabi ay naisip kong maglaro ng solitaire sa aking pocket PC. Bago ako nakapagsimula ay naalala ko ang aking yumaong lola na mahilig maglaro nito. Tuwing siya ay maglalaro ay tahimik muna siyang mag-iisip ng isang wish. Kapag nakakabuo siya ng isang laro sa solitaire, ang ibig sabihin nito ay maaring magkatotoo ang wish. Nuong gabing ako’y naglaro, hindi ako nag-isip ng wish bago maglaro. Bagkus ay nag-isip ako ng tanong. Ang sistema ay ganito: kapag ako’y nakabuo, ibig sabihin nito ay YES at kapag natalo, ibig sabihin naman ay NO.
Ang mga tanong na tulad ng: “Papasa ba ako sa board exam?” at “Mahal ba ako ni [censored]?“ ang naglaro sa aking isipan. Talo. Lahat talo. At dahil dito, dumami ng dumami ang aking tanong… umaasang mananalo rin ako. Pero talo talaga.
Minsan, marahil dahil sa uncertainty ng buhay ay may mga nagagawa tayong bagay na hindi gagawin ng isang matinong tao. Kalokohan ang aking ginawa. Hindi dapat nakasalalay ang YES at NO ng buhay sa larong solitaire. Bago ko binitawan ang pocket PC, naisip kong matanong ng isa na lamang na katanungan. “Pampalubag loob,” sabi ko sa sarili. Nanalo rin ako. Sa wakas, YES ang naging sagot.
Syanga pala, yung huli kong katanungan ay ito: “Mahal ba ako ni Lord?”
Wala lang.
Labels: Wala Lang (Tagalog)
Recent Comments
The Simple Mind by www.tsmthoughts.blogspot.com is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License.







